Monday, June 23, 2008

PANALANGIN PARA SA NASALANTA AT NASAWI NG BAGYONG FRANK sa PILIPINAS

Panginoong Makapangyarihan at Lumikha, Lumalapit po Kami sa Inyo bilang Inyong Mga Anak, na Kahit Kami ay makasalanan, Alam po Namin na Kami ay Inyong Papakinggan. Ipinagdarasal po namin sa Inyo ang mga Kaluluwa ng aming mga Kababayang sumakabilang buhay dahil sa bagyong Frank. Harinawa’y Sila ay Inyong napatawad sa kanilang mga kasalanang nagawa, At patuluyin Mo po Sila sa Inyong Kaharian. Inilalapit din po Namin ang kaluluwa ng mga Kamag-anak ng Nasawi at nasalanta ng trahedyang ito na sana’y matanggap nila ng maluwag sa kanilang sarili ang nangyari, sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan. Panginoon alam po namin na Kayo lamang ang nakakaalam ng mangyayari sa Aming Buhay kaya Sa Inyo ay Inihahabilin Namin ang Aming mga Kaluluwa. Nagpapasalamat po kami sa aming mga Kababayang nasalanta at nakaligtas ng nagdaang bagyo dahil Sila ay hindi Mo Pinabayaan. Nawa’y mabilis Silang makabangon sa hirap na kanilang pinagdaraan ngayon, ng sa ganoon makapamuhay Sila ng Maayos ng Naaayon sa Inyong Kalooban. Sa Pangalan ni Hesus Kami ay Lumalapit sa Iyo Panginoon. Amen

No comments:

Interviewing Fr. Giancarlo Bossi

Pakiki pag-kwentuhan kay Fr. Bossi, puno ng katatawanan!

Fr_bossi_with_villones_family Aug 13, 2007 umaga ng araw na ito, isang araw bago maka-uwi sa sariling bansa ang isang paring pinalaya pagkatapos na makidnap ng 39 na araw sa Pilipinas na si Fr. Giancarlo Bossi.

Dinatnan namin sa hardin ng PIME (Pontificio Instituto Missioni Estere) Head Office si Fr. Bossi at ang kanyang mga malalapit na kamag-anak na nagkukwentuhang may ngiti sa kanilang labi. Maayos kaming tinanggap ng pamilyang Bossi at sinalubong na parang myembro na rin ng kanilang pamilya. Noong mga araw kasi na kasalukuyang nakidnap ang pari, ilan beses namin silang nakausap sa telepono at nagkita pa kami ng pamilya nito noong pinuntahan namin sila sa kanilang bahay sa Milano para mag interview sa GMA 7, at nakita namin kung ano talaga ang kanilang naramdaman na kasakitan ng mga panahon na iyon. Subalit ang araw na ito ay ibang-iba dahil nakita ko na sa kanilang labi at nabasa ko sa kanilang mata ang tunay na kasiyahan na kanilang nararamdaman ngayon. Sa pakikipagkwentuhan namin sa buong pamilya ay di namin napag-usapan man lamang ang naganap na pagkidnap sa kanya sa mindanao maliban na lamang sa isang tanong na "babalik pa ba kayo sa Pilipinas pagkatapos ng mga pangyayari?" at matunog na "oo" ang isinagot niya sa amin at sinundan ng "kasi matigas ang ulo ko". Nakalalaki ng puso at nakabibilib lalo ng sabihin nya sa ating "Maganda ang Italya at dito ako ipinanganak ngunit ang aking puso ay nasa Pilipinas" (o diba pusong pinoy na si padre, ha ha ha). Walang paglagyan sa tuwa ang kanyang mga kamag-anak lalo na si Fr. Bossi simula ng aming pakipag-kwentuhan sa mga ito hanggang sa matapos. Naitanong ko pa nga sa pamangkin niyang si Eleonora na "kumusta ang iyong tiyo, sya ba ay di na naninigarilyo?" Habang tumatawa ay sinagot nya akong "di ko pa sya nakikita". Tinanong kami ng pari kung bakit nasama ang paninigarilyo sa usapan, lingid kasi sa kaalaman niya sya ay pinag-pupustahan ng buong pamilya kung sya ay matitigil na sa paninigarilyo dahil nung kasalukuyang nakikidnap pa ito narinig namin sa isang balita na di ito nakakatikim ng sigarilyo man lamang kaya nagsimula ang pustahan mag-mula noon at pagkarinig nya dito ang kanyang mukha ay naging seryoso at binigkas ang katagang "Ito marahil ang isang malaking bagay na nabago sa aking buhay, ang di na pagtikim ng sigarilyo". Nakatawa man kaming lahat ng oras na iyon eh alam naming seryoso sya sa kanyang sinasabi kaya naman nagsimula silang magyakapang magkakapatid hanggang sa kami ay nagpaalam na dahil meron pang ibang taong naghihintay sa kanila na nasagutan nila para sa susunod na interview. Inihatid nila kaming lahat sa pintuan ng PIME habang patuloy pa rin ang pagbibiruan ng mga ito habang kami naman ay umuwi. Ang Buong kwento ng Istoryang ito ay mapapanood nyo lamang n sa mga balita ng GMA7 at QTV 11( kung di pa nabubura ha hah ha ha).

August 14, 2007

Remembering Pope John Paul II - GMA7 flash report - Marita & Ferdy

Barkadahan Chat

HANGGANG Karaoke by: Wency Cornejo - version by: fvillones

Bagong Kabanata ng Buhay

Isang madaling araw nagising ako, dahan-dahan nawawala ang larawan mo, unti-unting namumulat ang mata ko, sa madilim na bahaging kinaroroonan ko, Parang binuhusan ng malamig na bagay, ng mapansing walang kamalay malay panaginip lang pala ang pinagdaanan, halos magulungan ng mundong 'sing bigat ng maraming bagay, Di ko napansin lumiliwanag na paligid, dahil matagal tagal na pala kitang iniisip, lumipas ang ilang oras na nakatulala, kaharap ang larawan mo ng magising ang diwa, Isang bagong umaga hatid ay ligaya, dulo't ng liwanag isang bagong pag sinta dahil natagpuan na aking sinisinta, lumipas sa buhay ko ginamot niya, Madilim na nagdaan sininagan ng liwanag mo, hatid ay saya sa bago kong mundo, Umaasa akong habang buhay ito, katulad ng pagmamahal na idinudulot ko.......fvillones06

PLS. SIGN IN !

Powered By Blogger