Monday, June 23, 2008

Sunshine Cruz, pormal ng sinampahan ng kasong libel ang kapatid ni Cesar Montano na si Maria Mercedez Hamilton, dahil daw sa mga paninirang paratang!

Pormal ng Sinampahan ni Sunshine Cruz ng kasong libelo ang kapatid ni Cesar Montano na si Maria Mercedez Hamilton o Ched, dahil umano sa mga paninirang paratang nito laban sa Mrs. ni Cesar Montano.
Ayon sa pakikipanayam ng Showbiz Central kay Sunshine sinabi nito na Nanahimik naman sya for the past nine years "Siguro napuno lang ako, lahat naman ng tao may hangganan". Pero nilinaw nito ang isyung hindi ang annulment laban kay Cesar ang isinampa nito sa husgado. " I just wan't to correct, nooo.. , kaya nga nagulat ako, this is about the libel case not the annulment, I want to clear, my fight is not against Cesar". Ayon pa sa aktress, pinipilit nya na sa panahong ganito dapat may masasandalan sya pero para sa kanyang sarili, wala daw syang maramdaman.

Ched, nagsalita na upang ibigay ang panig sa usaping ito
Nagsalita narin ang kapatid ni Cesar na si Ched sa pamamagitan ng kapanayam sa telepono upang ibigay naman ang kanyang panig sa usaping ito. " I was only informed by my relatives, ok lan yun, that's her prerogative, kung yun ang iniisip nya, it's up to her, my father was a lawyer and i'm not knew to this kind of thing. I will deal with it in due time.... But until then I have to go on my life." Mariin din nyang itinanggi na sya ang nasa likuran ng paninira kay Sunshine na kumakalat sa internet. " No, That's a big lie. I don't remenber mentioning her in my account. And may mga lumalabas daw na may blogspot daw na meron akong blogspot, But i don't have any blogspot." sabi pa nito. Ang isa daw sa tunay na dahilan ng kanilang gap ni Sunshine ay tungkol sa ina nila ni Cesar. " It started in the year 2004, hindi niya gusto yung presence ng mother ko doon. You know I have a paralyzed mom, staying with them in case of emergency madali syang maitatakbo sa ospital." ayon pa dito. "I just got quiet about that kasi ayoko namang magkaroon ng heart feelings at samaan ng loob. Hindi ko yan inopen sa kanya i just kept quiet about it." dagdag pa nito.

Cesar Montano, nagsalita na rin tungkol sa isyu

Sa pamamagita ng Philippine Entertainment Portal (PEP) Website. nagsalita na rin ang aktor na si Cesar Montano tungkol sa isyu. "Kaya naman ako nanahimik muna dahil ang stand ko riyan sa umpisa pa lang, family problem 'yan, na kami-kami lang talaga ang dapat mag-solve, Hangga't maaari, hindi na ito malaman pa ng ibang tao." ayon sa aktor. Sa usaping pinalayas daw ni Sunshine ang nanay ni Cesar sinabi nitong hindi nya mapapayagang umabot sa ganoong bagay at hindi naman daw ganun ang trato ni Shine sa nanay nya. " Alam kong hindi kailanman ganyan ang trato ni Shine sa nanay ko, to the point na palalayasin pa nya, Hindi ko rin papayagang mangyari yun. So, walang katotohanan 'yan." dagdag pa nito. Ayon sa aktor mababaw lang daw ang totoong dahilan ng pinagsimulan ng alitan ng kanyang kapatid at asawa. "Kung tutuusin misunderstanding lang yan sa pamilya, na kami-kami, kaya naming ayusin yan, kaso wala na naman gustong pa-areglo sa kanilang dalawa." sambit nito. Naiintindihan daw nya ang ginawang hakbang ng asawa laban sa kanyang kapatid, pero pinili pa rin nyang maging neutral na lang muna at sana ito ay maintindihan din ng kanyang mga fans, sinabi pa nyang "Mahirap ang sitwasyon ko, at sana maintindihan ako ng mga tao, na this is a family thing. Kaya hanggan't maaari tumatahimik ako. Walang magagawang mabuti ang pagsasalita ko ng kung anu-ano tungkol sa isyung 'yan, Pero kapag mayroon nang hindi totoo na nalagay sa alanganin ang asawa ko, natural lang na depensahan ko sya."

No comments:

Interviewing Fr. Giancarlo Bossi

Pakiki pag-kwentuhan kay Fr. Bossi, puno ng katatawanan!

Fr_bossi_with_villones_family Aug 13, 2007 umaga ng araw na ito, isang araw bago maka-uwi sa sariling bansa ang isang paring pinalaya pagkatapos na makidnap ng 39 na araw sa Pilipinas na si Fr. Giancarlo Bossi.

Dinatnan namin sa hardin ng PIME (Pontificio Instituto Missioni Estere) Head Office si Fr. Bossi at ang kanyang mga malalapit na kamag-anak na nagkukwentuhang may ngiti sa kanilang labi. Maayos kaming tinanggap ng pamilyang Bossi at sinalubong na parang myembro na rin ng kanilang pamilya. Noong mga araw kasi na kasalukuyang nakidnap ang pari, ilan beses namin silang nakausap sa telepono at nagkita pa kami ng pamilya nito noong pinuntahan namin sila sa kanilang bahay sa Milano para mag interview sa GMA 7, at nakita namin kung ano talaga ang kanilang naramdaman na kasakitan ng mga panahon na iyon. Subalit ang araw na ito ay ibang-iba dahil nakita ko na sa kanilang labi at nabasa ko sa kanilang mata ang tunay na kasiyahan na kanilang nararamdaman ngayon. Sa pakikipagkwentuhan namin sa buong pamilya ay di namin napag-usapan man lamang ang naganap na pagkidnap sa kanya sa mindanao maliban na lamang sa isang tanong na "babalik pa ba kayo sa Pilipinas pagkatapos ng mga pangyayari?" at matunog na "oo" ang isinagot niya sa amin at sinundan ng "kasi matigas ang ulo ko". Nakalalaki ng puso at nakabibilib lalo ng sabihin nya sa ating "Maganda ang Italya at dito ako ipinanganak ngunit ang aking puso ay nasa Pilipinas" (o diba pusong pinoy na si padre, ha ha ha). Walang paglagyan sa tuwa ang kanyang mga kamag-anak lalo na si Fr. Bossi simula ng aming pakipag-kwentuhan sa mga ito hanggang sa matapos. Naitanong ko pa nga sa pamangkin niyang si Eleonora na "kumusta ang iyong tiyo, sya ba ay di na naninigarilyo?" Habang tumatawa ay sinagot nya akong "di ko pa sya nakikita". Tinanong kami ng pari kung bakit nasama ang paninigarilyo sa usapan, lingid kasi sa kaalaman niya sya ay pinag-pupustahan ng buong pamilya kung sya ay matitigil na sa paninigarilyo dahil nung kasalukuyang nakikidnap pa ito narinig namin sa isang balita na di ito nakakatikim ng sigarilyo man lamang kaya nagsimula ang pustahan mag-mula noon at pagkarinig nya dito ang kanyang mukha ay naging seryoso at binigkas ang katagang "Ito marahil ang isang malaking bagay na nabago sa aking buhay, ang di na pagtikim ng sigarilyo". Nakatawa man kaming lahat ng oras na iyon eh alam naming seryoso sya sa kanyang sinasabi kaya naman nagsimula silang magyakapang magkakapatid hanggang sa kami ay nagpaalam na dahil meron pang ibang taong naghihintay sa kanila na nasagutan nila para sa susunod na interview. Inihatid nila kaming lahat sa pintuan ng PIME habang patuloy pa rin ang pagbibiruan ng mga ito habang kami naman ay umuwi. Ang Buong kwento ng Istoryang ito ay mapapanood nyo lamang n sa mga balita ng GMA7 at QTV 11( kung di pa nabubura ha hah ha ha).

August 14, 2007

Remembering Pope John Paul II - GMA7 flash report - Marita & Ferdy

Barkadahan Chat

HANGGANG Karaoke by: Wency Cornejo - version by: fvillones

Bagong Kabanata ng Buhay

Isang madaling araw nagising ako, dahan-dahan nawawala ang larawan mo, unti-unting namumulat ang mata ko, sa madilim na bahaging kinaroroonan ko, Parang binuhusan ng malamig na bagay, ng mapansing walang kamalay malay panaginip lang pala ang pinagdaanan, halos magulungan ng mundong 'sing bigat ng maraming bagay, Di ko napansin lumiliwanag na paligid, dahil matagal tagal na pala kitang iniisip, lumipas ang ilang oras na nakatulala, kaharap ang larawan mo ng magising ang diwa, Isang bagong umaga hatid ay ligaya, dulo't ng liwanag isang bagong pag sinta dahil natagpuan na aking sinisinta, lumipas sa buhay ko ginamot niya, Madilim na nagdaan sininagan ng liwanag mo, hatid ay saya sa bago kong mundo, Umaasa akong habang buhay ito, katulad ng pagmamahal na idinudulot ko.......fvillones06

PLS. SIGN IN !

Powered By Blogger