Kinabusan pagkatapos ng isang pinakamalakas na lindol na tumama sa Italy, Ako ay nakisakay sa sasakyan ng Labor Office sa Rome kasama sina Labor Attache Manuel Roldan at OWWA Welfare Officer Andelyn Gregorio, Bago paman kami umalis at habang nasa daan alam na alam ko kung ano ang tunay na nangyayari sa bagay na kung sino talaga ang may gustong tumulong o hindi sa pagitan ng mga tauhan ng Embahada at POLO (kaya mahiya naman kayo sa sarili nyo kung mababasa nyo to). Sa pagdating namin sa lugar, tatlong grupo ng mga kababayan natin ang aming nadatnan. Nagkaroon ng kumustahan konting kwentuhan at ng sa ganun ay mabawasan ang kanilang mabibigat na nararamdaman ang aming unang intensyon. At saka ipinamahagi ng aking mga kasamahan ang kanilang daladalang tulong. Sa pangkalahatan aking masasabi na ligtas na ligtas ang ating mga kababayan doon at wala naman masasabing mabigat na kaso maliban na lamang kay Jeffry Pugal na nakaranas na masugatan. Sa balita nga sa Pilipinas na ipinalabas ng DFA wala daw nasaktan, habang ibinalita naman ng GMA7 na meron casualty doon, ayaw pa ngang maniwala ng mga taga Embassy dito sa Italy dahil kami lang ang nagsabi pa sa kanila( yup sa amin unang pumutok ang balita) hindi sila maniwala habang di natin sinasabi na yung asawa mismo nya ang nakausap natin habang kalapit niya itong binabantayan. Imagine sa 3rd floor sila nakatira tapos natagpuan nalang ng pamilya nya na nasa 2nd floor na sila, nagkasugat sugat si Jeffry dahil bumagsak sila from 3rd to 2nd floor, nakulong sila at kaya sila nakalabas ay dahil pinagbabasag nya ung mga salamin ng bintana kaya wakwak yung kanyang kaliwang braso, bago pa sila tuluyang nakaligtas sumabit silang pamilya habang may naghihintay na umaabot sa kanilang pababa. At sa ngayon naghahanda kami para sa susunod naming pagbisita sa kanila.
Saturday, April 11, 2009
114 Pinoy sa L'Aquila Italy, Ligtas!
Interviewing Fr. Giancarlo Bossi
Aug 13, 2007 umaga ng araw na ito, isang araw bago maka-uwi sa sariling bansa ang isang paring pinalaya pagkatapos na makidnap ng 39 na araw sa Pilipinas na si Fr. Giancarlo Bossi.
Dinatnan namin sa hardin ng PIME (Pontificio Instituto Missioni Estere) Head Office si Fr. Bossi at ang kanyang mga malalapit na kamag-anak na nagkukwentuhang may ngiti sa kanilang labi. Maayos kaming tinanggap ng pamilyang Bossi at sinalubong na parang myembro na rin ng kanilang pamilya. Noong mga araw kasi na kasalukuyang nakidnap ang pari, ilan beses namin silang nakausap sa telepono at nagkita pa kami ng pamilya nito noong pinuntahan namin sila sa kanilang bahay sa Milano para mag interview sa GMA 7, at nakita namin kung ano talaga ang kanilang naramdaman na kasakitan ng mga panahon na iyon. Subalit ang araw na ito ay ibang-iba dahil nakita ko na sa kanilang labi at nabasa ko sa kanilang mata ang tunay na kasiyahan na kanilang nararamdaman ngayon. Sa pakikipagkwentuhan namin sa buong pamilya ay di namin napag-usapan man lamang ang naganap na pagkidnap sa kanya sa mindanao maliban na lamang sa isang tanong na "babalik pa ba kayo sa Pilipinas pagkatapos ng mga pangyayari?" at matunog na "oo" ang isinagot niya sa amin at sinundan ng "kasi matigas ang ulo ko". Nakalalaki ng puso at nakabibilib lalo ng sabihin nya sa ating "Maganda ang Italya at dito ako ipinanganak ngunit ang aking puso ay nasa Pilipinas" (o diba pusong pinoy na si padre, ha ha ha). Walang paglagyan sa tuwa ang kanyang mga kamag-anak lalo na si Fr. Bossi simula ng aming pakipag-kwentuhan sa mga ito hanggang sa matapos. Naitanong ko pa nga sa pamangkin niyang si Eleonora na "kumusta ang iyong tiyo, sya ba ay di na naninigarilyo?" Habang tumatawa ay sinagot nya akong "di ko pa sya nakikita". Tinanong kami ng pari kung bakit nasama ang paninigarilyo sa usapan, lingid kasi sa kaalaman niya sya ay pinag-pupustahan ng buong pamilya kung sya ay matitigil na sa paninigarilyo dahil nung kasalukuyang nakikidnap pa ito narinig namin sa isang balita na di ito nakakatikim ng sigarilyo man lamang kaya nagsimula ang pustahan mag-mula noon at pagkarinig nya dito ang kanyang mukha ay naging seryoso at binigkas ang katagang "Ito marahil ang isang malaking bagay na nabago sa aking buhay, ang di na pagtikim ng sigarilyo". Nakatawa man kaming lahat ng oras na iyon eh alam naming seryoso sya sa kanyang sinasabi kaya naman nagsimula silang magyakapang magkakapatid hanggang sa kami ay nagpaalam na dahil meron pang ibang taong naghihintay sa kanila na nasagutan nila para sa susunod na interview. Inihatid nila kaming lahat sa pintuan ng PIME habang patuloy pa rin ang pagbibiruan ng mga ito habang kami naman ay umuwi. Ang Buong kwento ng Istoryang ito ay mapapanood nyo lamang n sa mga balita ng GMA7 at QTV 11( kung di pa nabubura ha hah ha ha).
No comments:
Post a Comment